Achieving Happiness
Adarna's Attic
Ako ni Bai
Aparador ni Lisa
Apartment sa Dapitan
Bare Eye
Batasan 6 (Kalayaan at Katarungan Para sa Lahat)
Bathatula
Bethchabygollywow
Buck you!
Bulatlat
Changing Signs
College Editors Guild of the Philippines
Crooning the night away
Ederic@cyberspace
Gerry Albert Corpuz Presents
Goyli
Guniguni at gunita
HEAL Toxics
Hinalukay at Winagwag
In the Water
Ka-blog!
Kabalyero
Karl Marx
Langay-Langayan
Lily Pad
Litrato atbp
Loads of Motherhood
Lucid Interval
Malaya sa Veritas
Mental Maelstrom
Mike da Bender
Mongster's nest
National Union of Journalists in RP
Not stupid?
Pangimay
Past, Present, and Unknown
Payat rules!
Penguin Tales
Pinoy Press
PINOY WEEKLY
Pitik Bulag
Princess Tanya
Promdi
Prop Guide
Pulang Pluma
Red Star Mao
Red's Starship
Sandunes
Silip Bagwis
Snooper's Perch
Solidaridad
Step One
Taragis
The Working Hour
Thoughts are free
Tiny and thin
Tonyo
Tori Amos Net Universe
Tribeless
Vultra!
World's Largest Metaphor
You're So Vague
Young Radicals
today
July 2007
May 2007
February 2007
December 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
lifestyle check
malikhaing pagpanggap
oda sa pangkaraniwan
okasyon
paglalakbay
peryodismo
political chuvachuva
popcult madness
samut sari
simply angas
tao sa buhay ko

visited *loading* times
Sa linggong ito, mayroong dalawang bago sa dumaraming karimarimarim na bagay na ginawa ang donyang nagbabahay-bahayan sa Malakanyang.
Ang una ay ang Executive Order 464 na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na humarap sa anumang imbestigasyong ipinapatawag ng Kongreso nang walang pahintulot ng presidente. Kagyat na inilabas ng Malakanyang ang EO matapos ipagkanulo si "commander-in-chief" ni Brig. Gen. Francisco Gudani, isa na sa pinakamabigat na testigo sa pandaraya ni Arroyo noong eleksiyon. Napipinto ang isang krisis sa Konstitusyon na binigyang laya at kapangyarihan ang Kongreso na magsagawa ng mga imbestigasyon. Balak (at dapat lang) suwayin ng mga mambabatas ang EO 464. Ayon nga kay Gabriela Rep. Liza Maza, ang EO 464 ay pangitain ng paglusaw sa Kongreso, isang tiyak na indikasyon ng Batas Militar.
Gudlak sa'yo Gloria. Awayin mo nang lahat para lalo kang mag-isa sa ka-praningan mo, ang ka-praningan mong isang araw ay magkakatotoo rin ('yun bang mapatalsik ka sa pwesto).
At dahil lumalala ang pag-iisa sa pag-abandona sa kanya pangunhahin ng tiwala ng taumbayan, ginawa ni Gloria ang pangalawang karimarimarim na bagay sa linggong ito: ang patulan ang pagkapanalo ni Precious Lara Quigaman bilang Miss International upang mabigyan ng pagkakataong ngumiti nang live sa TV Patrol at sabihing kaisa siya sa pinakamatayog na mithiin ng sambayanan, ang mithiing manalo ang kababayan sa beauty pageants abroad. Kung bakit nagmistulang showbiz talk show ang isang newscast at pinuno ng Miss International fans club naman ang pangulo ng bansa, yan ang tinatawag na krisis sa kultura.
Sa totoo lang, hindi ako naniniwalang ganoon kalaki ang pride ng mga Pilipino ngayon sa pagka-panalo ng mga beauty queen sa international pageants. Nakakasawa ring panoorin silang maging artista, malaos, at mag-asawa ng foreigner. At parang wala naman talaga silang naiaambag sa world peace, kahit nga peace sa Pinas, tulad ng kanilang ipinangangalandakan. Pero nariyan lagi ang media para gawing headline ang kanilang drama sa buhay, kaya't obligado tayong makisangkot dito. Lalo pa't kung mismo ang pangulo ang pumupuri sa kanila na akala mo'y mga dakilang kinorona at hindi mga masunuring tupa ng makitid at Kanluraning pamantayan ng kagandahan.
Sabi ni Gloria, dapat tularan ng lahat ng mga Pilipino si Ms. International. Pabor nga naman ito sa kanya, kasi kung mangyaring maging beauty queen ang lahat ng Pinoy, wala nang magra-rally kasi wa-poise.
When the grisly murder of Nestle union president Diosdado Fortuna made it to ABS-CBN's TV patrol, the giant broadcasting firm made it too clear that subservience to advertisers is supreme to following the basic tenets of journalism, that is, telling the public the WHO WHERE WHEN HOW and WHY of a particular incident. ABS-CBN conspiciously avoided the WHO. Who Ka Fort was, who was the company he was working for whose unjust labor practices he was fighting against, and therefore, who, in all probability, was responsible for his sudden death by bullets fired cowardly on his back while riding a motorcycle, fresh from the picketline and on his way home to his ailing grandson.
It was NESTLE. Yes, Nestle, the Swiss multinational, makers of Milo, Nescafe, Kitkat, Bear Brand, and a wide array of food products monopolizing supermarket shelves. It is Nestle who has a long history of working their workers to death, and when they complain, simply truncheoning or gunning them down to death. Indeed, there is blood in your coffee, your milk, your chocolate, your goddamn energy drink.
Would consumers know this, with the evening newscast suddenly switching to common nouns such as "a big multinational company," depriving the public of the fact that the ubiquitous birds-in-the-nest logo stands for tyranny, and injustice, and hunger for all those people who spent their whole working-class lives to make the brand an international success, to make its owners billionaires?
So if ABS-CBN can't say it, if it can't afford losing those irritating Coffeemate commercials featuring a mestizo couple high on slang, then, let's say it. We don't need Nestle's caffeine for our heartbeats to race a bit faster, for the blood in our veins to flow a bit stronger, for our voices to cry, loud and clear and alert with all sadness and rage:
BOYCOTT NESTLE PRODUCTS!!!
JUSTICE FOR KA FORT AND THE STRIKING WORKERS OF NESTLE!!!
LONG LIVE THE WORKING CLASS STRUGGLE!!!
Thank God this blog doesn't have advertisers.
Noong bata ako, hindi ko maintindihan kung bakit ako sinusuway ng aking tatay tuwing sasabihin kong "ouch" imbes na "aray" kapag nasasaktan ako. Mabubugnot ito at sasabihing "anong ouch-ouch, aray lang e..." At ako naman ang mabubugnot at iisiping ang laki naman ng problema ng tatay ko, ako na nga ang nasaktan e.
Nauunawan ko na ngayon ang problema ng tatay ko. Ito ay magkaroon ng mga anak na, bukod sa mahilig mag-ouch imbes na aray, ay sikretong nagtataka kung bakit "tatay" ang kailangang itawag sa sariling tatay imbes na "daddy" o "papa" na di hamak mas uso na sa lungsod noong panahong iyon. Totoo. Ganoon kalupit ang pagkakalulon ko sa mga gawi sa isang ekslusibong eskuwelahang all-girls, sa kulturang popular na nag-umpisa nang mamiyesta sa globalisasyon, at isama na rin natin, ang siglo-siglong balintunang edukasyon ng mga Pilipino.
Naiisip ko ang mga ito ngayon dahil kahapon, habang nakatanga sa bahay, nag-iingat na huwag mabinat kagagaling sa matinding lagnat, nadiskubre ko ang naninilaw na kopya ng isang lektyur ni tatay na ibinigay sa isang porum hinggil sa wika. Naninilaw ito hindi sa kalumaan (2001 lang ang petsa nito), kundi dahil nabasa ito ng ulan mula sa tumutulong kisame ng aming dirty kitchen kung saan nakatambak ang mga gamit ni tatay, at katunaya'y pinatutuyo ito ni nanay sa sala kaya ko biglang nausisa't nadampot. Ang pamagat ng lektyur ay: "Wikang Filipino sa Parmacolohiya at mga Kaakibat na Isyung Pangkultura't Pampulitika."
Marapat sigurong banggitin ko na si tatay marahil ang tanging doktor sa Pilipinas (itama ninyo kung
Ang hindi niya naikuwento sa amin, na nabanggit niya sa lektyur, ay kung paano minumura siya ng iba niyang estudyante sa evaluation dahil sa madiing paggamit niya ng Filipino. Aniya, "Ganon katindi ang problema natin dito sa Pilipinas, sa'n ka nakakita na mumurahin ka dahil sa paggamit ng sarili mong wika sa sariling bansa!"
Marami pang interesanteng punto sa kanyang lektyur, tulad nang mga malikhaing paraan upang maparating ang iyong mensahe, hindi pagiging balakid ng terminong teknikal sa paggamit ng Filipino, at higit sa lahat, ang implikasyong pulitikal ng di pag-unlad ng wikang Filipino.
Pinatungkulan niya ang mga kapwa-middle class: "Kadalasan, ang ating nakakahalubilo ay iyon mismong naghahari dito sa lipunang ating ginagalawan at hindi naiaalis na ang iyong mga saloobin at pagpapahalaga ay nabubuo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan doon sa mga ating ginagalawan."
Sinabi rin niyang "Nakaangkla ang paglutas sa problema sa wika doon sa paglutas ng mga batayang problema ng lipunan." At "Uunlad lamang sa tingin ko ang tunay na pagsulong at pagpapalaganap ng ating wika kung talagang malaganap na ang kamalayang Pilipino at kamalayang panlipunan."
Noong haiskul ako, kinamuhian ko ng sukdulan ang asignaturang "Wika." Tinignan ko na parang loser ang mga old maid guro na ko dito, kumpara sa mga hip kong mga titser sa English (Pero nakakatawa nga naman talaga si Ms. Cabral ng Wika na tuwing may quiz "numbers your papers" ang sinasabi, hehehe.) Hirap na hirap ako sa Wika at hindi makaahon sa line of 8 na grado, kumpara sa 90+ na nakukuha ko lagi sa English. Natatandaan kong pinagmumura ko rin ang mga istanza sa Ibong Mandaragit na ang mga makalumang salita’y hindi maarok ng aking utak.
Ngayon, tatlong taon kong sa isang dyaryong Filipino, at home na ako sa pagsusulat sa Filipino, kahit papaano, kahit sumasalto pa rin sa paggamit ng mga salita (na ang pinakanakakahiya ay sikreto lamang ng editorial staff ng PW). Pero sa kaibuturan ko alam kong isa pa rin akong manunulat sa Inggles (bagaman hindi na ganoon ka-pulido dahil sa kawalan ng praktis at siguro, pagpapahalaga). Kung paano mo malalaman, simple lamang ang batayan. Ito ay kung anong lengguwahe ang ginagamit mo para kumapit sa realidad paggising sa kalagitnaan ng gabi mula sa isang masamang panaginip.
Gaano ko man naisin, hindi ko epektibong makabisa ang mga malalalim at nakamamanghang mga salitang Filipino. Tignan ko man ang kahulugan sa diksiyunaryo, nadudulas ito sa aking isip tuwing muli kong maeengkwentro, na siyempre, paminsan-minsan lang sa lipunang ito ng pangaraw-araw na Taglish, Inggles ng broadsheet at mga astig na dayuhang pelikula at libro, at melodramatikong Filipino ng telenobela (Encantadia ang pinaka-matalinhaga sa mga telenobela ngayon, FYI).
Nalungkot ako nang mabasa ko minsan ang sinabi ni Roger Sicat na imposibleng magpakadalubhasa ang isang manunulat sa dalawang wika. Ito ay dahil, aniya, isinusuot ng isang manunulat ang kaluluwa ng wika.
Kung ang kaluluwa ko’y masaktan, ouch pa rin kaya ang idadaing nito, o matututunan na rin nitong umaray?
While the whole nation was astir last week over the butchering of the impeachment complaint in the House of Representatives, I was peacefully lying in bed at a posh guestroom of an American whose banana plantations are scattered all over Mindanao, wondering if I'm missing People Power at that very moment. Turns out I wasn't. Although I wanted the people to get mad enough to explode like a rocket that would send away President Gloria into the outer space of shame, I was also glad that I didn't spend what would've been EDSA 3 traipsing about in a rich landlord's house. (For the record, said American is asking my father to help him to convert to organic bananas, so even though I hate his guts for stealing so much of Filipino land, at least he's human enough to be concerned that his pesticides are killing people).
Anyway, last week really was a quite enjoyable trip to Mindanao, which I haven't been to in a long time. I got to finally visit Kamukhaan, that case of a poisoned village which has irrevocably dragged me into my father's crusade of fighting agro-chemicals (which is actually a fascinating study of how US imperialism works in a semi-feudal country like ours). Kamukhaan will be a separate entry altogether.
What I's really want to show right now are pictures from nature-tripping that accompanied my mission:

Part of Mt. Apo Natural Reserve Park in Digos, Davao del Sur. The irony is that it was totally denuded before it was declared by the government as a protected area.


Ever see a tree struck by lightning? I saw two. One of them was felled.
Torch ginger. A lovely name for a lovely flower.

Nothing beats bright purple flowers.

Biodiversity rocks! Imagine my delight upon discovering a cacao tree in a piece of mountainous land growing with the more common lanzones and marang trees.

I'm not sure how much my urbanite siblings appreciated it, but we came home with a bag of lanzones picked from my father's own tree.

I prefer durian to marang, but the marang tree, with its wide shady leaves and tall thick trunk, is more aesthetic than the durian tree, which is all narrow branches and inadequate leaf cover.
But I LOVE DURIAN. I don't mind eating nothing but durian. Come to think of it, a durian strike until GMA steps down or is ousted wouldn't be that bad. Maybe someone from Davao should initiate it, it would sure get lots of media mileage.
For the victims of Hurricane Katrina and President George Bush's neglect Because you sit in battered wheelchairs and reek like a gang of rats because you are third-world beggars gnawing on glossy billboard ads because you mix your blood and sniff out phonies from your ranks because you are golden like skin and the sax; Because your hoard hunger in attics and long for your patriot sons because you've never been proud of Hollywood or what the government's done because disillusion is a cesspool of history and this week's trash on MTV because you are amber like fat lips and the southern sun; Because you are, New Orleans, war's vortex has loved you least. And while you wail at the feet of the bloated cold wet and stiff, thousands of miles away, mortars flood a similar cry.