Achieving Happiness
Adarna's Attic
Ako ni Bai
Aparador ni Lisa
Apartment sa Dapitan
Bare Eye
Batasan 6 (Kalayaan at Katarungan Para sa Lahat)
Bathatula
Bethchabygollywow
Buck you!
Bulatlat
Changing Signs
College Editors Guild of the Philippines
Crooning the night away
Ederic@cyberspace
Gerry Albert Corpuz Presents
Goyli
Guniguni at gunita
HEAL Toxics
Hinalukay at Winagwag
In the Water
Ka-blog!
Kabalyero
Karl Marx
Langay-Langayan
Lily Pad
Litrato atbp
Loads of Motherhood
Lucid Interval
Malaya sa Veritas
Mental Maelstrom
Mike da Bender
Mongster's nest
National Union of Journalists in RP
Not stupid?
Pangimay
Past, Present, and Unknown
Payat rules!
Penguin Tales
Pinoy Press
PINOY WEEKLY
Pitik Bulag
Princess Tanya
Promdi
Prop Guide
Pulang Pluma
Red Star Mao
Red's Starship
Sandunes
Silip Bagwis
Snooper's Perch
Solidaridad
Step One
Taragis
The Working Hour
Thoughts are free
Tiny and thin
Tonyo
Tori Amos Net Universe
Tribeless
Vultra!
World's Largest Metaphor
You're So Vague
Young Radicals
today
July 2007
May 2007
February 2007
December 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
lifestyle check
malikhaing pagpanggap
oda sa pangkaraniwan
okasyon
paglalakbay
peryodismo
political chuvachuva
popcult madness
samut sari
simply angas
tao sa buhay ko

visited *loading* times
Kamakailan lang, na-insulto ang mga reporter na nasa beat ng Senado. Nagkaroon kasi ng ugong-ugong na sinabi ni Sen. Jamby Madrigal (oo, ang senador na ginamit si Judy Ann para mahalal at sangkot ang pamilya sa pagmimina at pagtotroso sa kabila ng pagiging environment-friendly kuno) na patay-gutom daw ang media. Mababaw ang kaligayahan. Bigyan mo lang ng pagkain, okay na. WHAT THE @#%$@#!!!
Dahil dito, hindi ginalaw ng mga reporter ang ipinadalang mga bilao ng pancit malabon at cake na Red Ribbon ng senador noong Lunes.
Normal na lang ang pagpapakain ng mga senador sa mga miyembro ng mass media. Katunayan, bawat araw, may naka-toka na senador sa pagpapa-lunch-- dalawang ulam, dessert, at softdrinks. Minsan, kung mayroong may birthday, catered pa ang pagkain o uulan ng kahon-kahong pizza. Labas pa diyan ang mga pa-dinner sa mga mamahaling restawran labas sa Senado, tuwing may okasyon katulad ng Pasko. Kahit nga ang hindi senador, nagpapakain din ng mga reporter sa Senado (halimbawa na lang ni DENR Sec. Mike Defensor na nagpa-dinner sa Marina noong kasagsagan ng word war nila ni Jamby ukol sa logging).
"Totoong hindi tayo nagugutom. Pero hindi ibigsabihing nasusuhulan tayo ng pagkain," buong-dignidad na sinabi ng isang reporter na nagdiriwang sa matinding supalpal na inabot ng senador na nangahas magsalita ng ganoon.
Pagkatapos naming mag-file ng mga istorya para sa araw na iyon, nagyaya ang mga kaibigan kong kumain sa Senator's Lounge. Masarap ang inorder kong pasta alfredo, bagamat sa totoo lang, hindi ko alam kung sino ang nagbayad para dito. Alam kong mabuti pang huwag ko nang itanong.
Habang kumakain, nakiupo sa aming lamesa si Sen. Lito Lapid (oo, ang senador na dating aktor at gobernador, nasangkot diumano sa mga kaso ng korapsiyon sa Pampanga at ngayo'y tinatawag na jueteng lord ni Sen. Nene Pimentel). Hayun at nag-react sa pinakahuling balita. Hindi pa naman daw napapatunayan na utak sa likod ng iligal na sugal ang kanyang kaibigan na si Bong Pineda. Maamo ang mukha, pero malikot ang mata habang sinasabi ito.
Habang "nakikipagkwentuhan," tinawag ni Lapid ang isa sa kanyang mga tauhan. Sinabihan na bigyan kami ng mga tsokolate. At bago siya tumayo, naroon na nga, tatlong pakete ng Hershey's Nuggets sa aming lamesa. "Sige, salamat sa pag-alalay ha," sabi niya, ngumiti, itinaas ang dalawang kilay, at umalis.
Tuloy, hindi ako naka-alis ng lamesa nang walang bitbit na Hershey's Nuggets, na siya namang ipinamigay ko sa opisina.
This letter that I found lying around in the office made my day:
HI MOMMY AND DADDY NAGSWIMING KAMI NILA TITABET KASAMA SILA MAWI AT COYCOY, ANAK NANG KAOPISMATE NI TITABET AT NATULOG KAMI NINA TITABET AT NILA MAWI AT SI COYCOY ANG KRASH KO SA TENT. NAG BANGKA RIN KAMI NILA TITABET KASAMA ANG KAPATED NI COYCOY NA SI MAWI NA MAY CORALS AKONG NAKITA KASE NAKAGAGGLES AKO, KASE PO SA BEACH PO KAMI NAGSIWIMING-- LOVE ADI
It was my officemate's 7-year old nephew's account of the beach outing we had this weekend at Batangas.
I love children's letters to parents. I used to make lots when I was a kid, a fact that rather shocked me when I discovered such letters later in my adolescent life as I was cleaning my father's office desk. There, tucked away in one of his drawers, were piles and piles of letters my siblings and I wrote our parents when we were kids.
My favorite letters were those that contained coy requests such as the purchase of a certain toy, a trip to a certain place. Below our demands we would actually put boxes that they can tick: YES or NO. A style that we probably copied from school circulars that demand for approval or disapproval of field trips and administration policies. Others were simply expressions of love, blatant and innocent, thrown along with barely coherent ramblings of how our day went.
It's been such a long time since I've read those letters so I really can't give much details. But I remember reading them to be such a hilarious and sweet experience. I really have to get my hands on them again, one day, when I have the time. Then I shall scan them and post them on this blog, and you shall know the joy that I mean, and why my officemate's nephew's letter to his parents really, really made my day.
Walang kilapsaw sa noo ng Santo Papa nang maibigan ng mga pulis-Maynila na damputin silang mga naka-sotana,hatawin nang parang nanunundla ng mga ibon sa loob ng hawla.
Pasipista ang ama, kaya't itinaboy ng parokya ang mga ralyista, at ang mga de-batutang deboto sumunod lamang sa krusada ng Bibliya ni Gloria:
"Hindi mga pari ng Simbahang Katolika iyang mga nakikipagkapit-bisig sa mga manggagawa't magsasaka. Sila'y mga komunista na walang
diyos at pamilya, awit at kalam ng sikmura."
Sa Roma, inilagak sa ataul na tingga para maging imortal ang Santo Papa.
Nakatutulig ang hiyaw ng mga batingaw.
Paano babaling ang nagsitipong mga lider ng mundo, mga Katoliko at ang sariling ipokritong Pangulo sa tatlumpu't dalawang ataul na nakalatag sa nagluluksa at nagngangalit na lansangan ng Maynila?
Imortal ang laban nilang mga katawa'y isa-isang itinimbuwang ng tingga.

Sa gitna ng mga rumaragasang sasakyan sa kalye at mga abalang tao sa bangketa ng East Avenue sa Quezon City, matingkad sa isang pulang pader ang pagbati at pagpupugay ng Kabataang Makabayan sa ika-35 na kaarawan ng New People's Army. Kinuha ko ang litrato noong Marso 30, kinabukasan ng Marso 29. Sariwa pa ang pintura.
Sa lahat ng mga kaibigang nakakausap ko, wala pa nakapagsasabing nilaro nila o alam man lang ang larong "sardinas" noong kanilang kabataan.
"Sardinas, ano 'yon?"
"Sardinas!!! 'Yung kabaligtaran ng taguan!"
Kunot ng noo. "Ha, meron ba 'non?"
At ipapaliwanag ko ang mechanics ng larong ngayo'y iniisip ko baka gawa-gawa lang naming magpipinsan na nakatira at naglalaro noon sa isang malaking bahay sa Quezon City.
Sa taguan, iisa ang taya. Magbibilang siya habang magtatago ang kanyang mga kalaro. Kailangan hanapin niya ang mga ito at maunahan sa base ang isa sa kanila, na siya namang magiging taya sa susunod na laro.
Sa sardinas, iisa ang taya. Pero hindi katulad sa taguan na kinabubugnutan ang pagiging taya, masarap maging taya sa sardinas. Siya kasi ang nagtatago, ang kanyang mga kalaro ang naghahanap. Kapag natunton ng isa ang taya sa lugar na pinagtataguan, sasali siya at makikitago. Dadami nang dadami ang susuot sa makipot at madilim na taguan, magsisiksikan (ngayon, gets niyo na kung bakit sardinas ang tawag sa laro) at tahimik na magbubungisngisan.
Ang huling manlalaro na makakahanap ng lugar ang susunod na taya. Kadalasan, masigabo ang tawanan pagdating ng manlalarong iyon, na tiyak praning na ng husto sa pagtantong nag-iisa na lang siyang hindi nakatago.
Minsan, sadyang may nagpapahuli para lang mabigyan ng pagkakataon na unang magtago sa susunod na laro. Minsan, magkakainipan sa taguan kapag mabagal maghanap ang mga manlalaro. Kung masyado nang nagpapawis at nagkakainitan ng ulo, susuko't lalabas sa taguan upang ilahad ang mga sarili at matapos na ang laro.
Kaiba sa taguan, walang exciting na habulan ang larong sardinas. Hindi kailangan ang matutuling binti, kundi konting tiyaga at pakikisama. Malimit inilalaro ito kapag medyo hapo na sa mga larong walang humpay na takbuhan at lundagan katulad ng patintero, chinese garter, luksong tinik, touch the color, shake shake body shampoo, Pepsi 7-Up, at iba pa.
Labis kong ikatutuwa ko kung mayroong makapagsasabing alam niya ang larong ito, at noong kayo'y musmos pa ay nahumaling din sa sardinas, kabaligtaran ng taguan.